PANOORIN: Kokonsultahin ni Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang mga abogado kaugnay ng nakatakdang pagsasampa ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa umano'y flood control anomaly.
"Sabi ng LBRMO, wala akong insertion, katulad ng sinasabi nila nung binulgar ni Brice Hernandez sa House [of Representatives] na mayroon akong insertion. Nagkataon, dito sa LBRMO, wala silang record na ako ay may insertion na ganoong halaga," saad ng senador ngayong Martes, May 26.
Sa kabila nito, sinabi ni Estrada na mananatili siyang nakatutok sa kanyang trabaho. | via Bernard Ferrer